Connect with us

4 pulis na protektor ng drug trafficker sa Zambales, arestado

Arestado ang 4 na pulis na umano’y protector ng isang drug trafficker sa pagsalakay sa hinihinalang cladestine shabu laboratory sa Subic Bay freeport zone sa Zambales ngayong Biyernes.

Regional

4 pulis na protektor ng drug trafficker sa Zambales, arestado

Arestado ang 4 na pulis na umano’y protector ng isang drug trafficker sa pagsalakay sa hinihinalang Cladestine shabu laboratory sa Subic Bay freeport zone sa Zambales ngayong Biyernes.

Kinilala ang mga naarestong pulis na sina Lieutenant Reynato Basa Jr., Corporal Gino Dela Cruz, Corporal Edesyr Victor Alipio at Corporal Godfrey Duclayan Parentela.

Ang mga pulis ay nakatalaga sa Olongapo City Police Station 2.

Naaresto din sa operasyon ang isang Jericho Dabu.

Image

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpiska ng ahensya at PNP ang nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug buy-bust operation.

Image

Nabuwag din ng mga otoridad ang “kitchen-type” shabu laboratory na kayang mag-produce ng 3 hanggang 4 na kilo ng shabu kada araw.

 

 

More in Regional

Latest News

To Top