Connect with us

4 na nasirang planta, tinitignang dahilan ng rotational brownouts – DOE

4 na nasirang planta, tinitignang dahilan ng rotational brownouts – DOE

Metro News

4 na nasirang planta, tinitignang dahilan ng rotational brownouts – DOE

Inihayag ni Department of Energy Sec. Alfonso Cusi na isa sa mga tinitingnang dahilan ng kagawaran ang force outage ng 4 na nasirang planta ng kuryente kung kaya’t nagkaroon ng rotational brownout noong May 31 at June 1, 2021.

Ayon pa kay Sec. Cusi, kung dalawa lang ang magkakaroon ng force power outage, hindi magkakaroon ng problema ngunit higit sa 2 ang nasirang planta.

Bukod pa rito, inihayag ni Sec. Cusi na nasa mahigit 2K megawatts ng suplay ng kuryente ang nawala hinggil dito.

Sa kabila nito, inihayag ni Cusi na ang mga brownout na nangyayari sa bansa ay dahil sa iba’t ibang problema gaya ng power plant issue, grid problem, distribution facility problem o localized problem.

Sa kabila nito, hinikayat ni Cusi ang Department of Justice (DOJ), Philippine Competition Commission (PCC) at Philippine Energy Commission na gumawa ng imbestigasyon kung meron iligal na sabwatan sa nangyaring rotational brownout.

Samantala, nababahala si Sen. Risa Hontiveros sa posibleng magiging epekto nang nangyayaring rotational brownout sa Metro Manila sa parating na 2022 automated national and local elections.

Aniya, dapat na itong maresolba sa ngayon bago pa dumating ang eleksyon sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Hontiveros sa isinagawang imbestigasyon ng senate committee on energy sa nangyaring rotational brownout noong May 31 at June 1, 2021.

Ayon pa kay Risa, maaari apektado ang mga trabahante na naka ‘work from home’ setup ngayon dahil sa mga nangyaring brownout.

Maging ang mga estudyante na naka “online learning system” ay maaari ring maaapektuhan dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente.

 

More in Metro News

Latest News

To Top