Connect with us

35th International Coastal Clean Up Day, isasagawa  sa Manila Bay

Isasagawa ang pagdiriwang ng ika-35 taon ng International Coastal Clean Up Day sa Manila Bay, bukas ika-19 ng Setyembre.

Metro News

35th International Coastal Clean Up Day, isasagawa  sa Manila Bay

Isasagawa ang pagdiriwang ng ika-35 taon ng International Coastal Clean Up Day sa Manila Bay, bukas ika-19 ng Setyembre.

Dahil dito, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang bahagi ng Roxas Boulevard upang bigyang daan ang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang.

Apektado ng road closure ang north at south bound ng Roxas Boulevard mula P. Burgos hanggang Quirino Avenue simula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga.

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Sa Northbound:

  1. Mula sa Osmena Highway, kumanan sa Quirino, diretso sa Lacson Avenue, kumaliwa sa Tayuman, Capulong St. papunta sa destinasyon.
  2. Sa bahagi ng Roxas Boulevard, kumanan sa EDSA, Osmena Highway, kumaliwa sa Quirino Ext, U.N. Avenue, kumanan sa Romualdez, kumaliwa sa Ayala Blvd., Finance Rd., P. Burgos, at kumanan sa Bonifacio Drive papunta sa destinasyon.

Sa Southbound:

  1. Mula Bonifacio Drive, maaaring kumaliwa sa P. Burgos, Finance Rd., Ayala Blvd., kumanan sa Marcelino St., kanan muli sa Quirino Ave. at saka kumaliwa sa Roxas Boulevard patungo sa destinasyon.

Samantala , nilinaw naman ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa alegasyong dolomite ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa Baseco.

Ayon kay DENR Spokesperson Benny Antiporda,hindi naman nakahalo ang dolomite sand sa tubig habang magpapatuloy Ang pagtambak nito.

Pinagtataka din ng opisyal kung dolomite ang dahilan nito, dapat naanod na daw ang mga ito sa mga pantalan sa Maynila o Manila bay area at hindi lang sa Baseco ito nakalutang.

Napansin ni Antiporda sa kanyang pag-iikot ang ilang tilapia na nakalutang pero imposible aniyang mabuhay ang tilapia sa tubig alat.

Sa ngayon, pinatitingnan ng ahensiya ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda.

Paliwanag ni DENR Spokesperson Benny Antiporda , “What I can say is as of now, these claims are doubtful, quick assumptions that the fish kill was brought by the nourishment is erroneous.  Because if that happened due to the nourishment area, would you imagine, the dead fishes should have washed up at the pier, near the Manila Baywalk area, and not in Baseco”

SA pag aaral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nasa apat na klase ng isda ang apektado ng nasabing fish kill, biya, kanduli, asohos at tilapia.

 

More in Metro News

Latest News

To Top