Connect with us

33 barangay at 1 establisyemento sa Pasay City, isinailalim sa ECQ

Kasalakuyang nakasailalim  sa 14-day Enhance Community Quarantine (ECQ) ang 34 na mga barangay at isang business establishment sa Pasay City.

National News

33 barangay at 1 establisyemento sa Pasay City, isinailalim sa ECQ

Kasalakuyang nakasailalim  sa 14-day Enhance Community Quarantine (ECQ) ang 33 na mga barangay at isang business establishment sa Pasay City.

Ayon kay City Administrator Dennis Acorda, ipinag-utos ito ni Mayor Emi Calixto-Rubiano matapos makapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang siyudad.

Ani Acorda, ipinagutos ng alkalde na isailalim sa lockdown ang mga barangay na may tatlo o higit pang naitatalang impeksyon.

Ang mga barangay sa Pasay City na kasalukuyang naka-ECQ  ay ang barangays 28, 29, 32,40, 57, 58, 66, 68, 71, 76, 81, 95, 98, 100,107, 109, 118, 122, 132, 135, 136,143, 155, 156,159,162,175, 177, 178,183,190, 192, 201.

Biyernes, February 19 nang binabaan ng kautusan ang mga barangay at epektibo noong Sabado ng umaga naipatupad ang ECQ.

Saad ng Octa Research Group, dumoble ang kasong COVID-19 sa Pasay City simula ng nakaraang linggo.

Ani Prof. Guido David, “This week, for the past 7 days average niya sa Pasay 44 cases per day pero the previous week 22.”

Posibleng dahil ito sa mga nagdaang holidays at selebrasyon tulad ng Chinese New Year at Valentine’s Day.

Ayon naman kay Rhodora Pimlott, Administrative Officer sa Pasay City Command Ceter Officer In Charge, may isa ring aparment kung saan naitala ang hawa-hawaan ng mga occupants.

Paglilinaw rin ni Pimlott, papayagan pa rin ang mga tao na magtrabaho basta’t masunod lang ang health protocol.

Patuloy naman ang paghahatid ng ayuda ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga residente ng lungsod.

More in National News

Latest News

To Top