Nasa 313 na ang bilang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo sa COVID-19.

313 na Philippine Coast Guard personnel nagpositibo sa COVID-19

National News

Nasa 313 na ang bilang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa PCG, sa nasabing bilang ay nasa 230 ang active cases habang 83 na ang nakarekober.

Sinabi ng PCG na kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay ang kanilang mga tauhan na nakatalaga sa kaligtasan at kalusugan ng mga returning overseas filipinos, locally stranded individuals, at maritime stakeholders gaya ng mga mangingisda, ship crew at cargo truck drivers.

Dahil sa pagdami ng infected personnel, pinaigting pa ng ahensya ang pagprotekta sa kapakanan ng kanilang mga tauhan.

Sinabi ng PCG na regular ang isinasagawang RT-PCR tests sa kanilang frontliners, pagbibigay ng sapat na bitamina, PPE set at medical supplies.

Binibigyan rin anila ng pahinga at work break ang mga PCG personnel at debriefing sessions para mapanatili ang kanilang physical, mental, emotional, at spiritual health habang pinoprotektahan ang sambayang pilipino laban sa COVID-19.