Connect with us

300 military doctors at nurses, posibleng i-deploy sa laban sa COVID-19

National News

300 military doctors at nurses, posibleng i-deploy sa laban sa COVID-19

Umaasa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na maraming military medical reservists ang tutugon sa panawagan ng gobyerno na tumulong sa laban sa COVID-19.

Ayon kay Lorenzana, nasa 300 military doctors at nurses at 3,000 military personnel na mayroong medical background ang posibleng i-deploy bilang karagdagang tulong sa Metro Manila.

Sinabi ng kalihim na hinihintay pa niya ang Department of Budget Management (DBM) lalo’t kakailanganin din ng pondo ang mga kukuning personnel.

Una nang inatasan ng pangulo si Lorenzana para kunin ang military medical reservists para makatulong na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

More in National News

To Top