Connect with us

30% venue capacity para sa seminar at workshop, pinapayagan na sa GCQ areas

Pinahihintulutan na ang pagdaraos ng  trainings, seminar, workshops, congresses at consumer trade shows, conferences maging ang board meetings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

National News

30% venue capacity para sa seminar at workshop, pinapayagan na sa GCQ areas

Pinahihintulutan na ang pagdaraos ng  trainings, seminar, workshops, congresses at consumer trade shows, conferences maging ang board meetings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan  pwedeng isagawa ang mga nabanggit na event sa hotel, ballroom, restaurant, function halls sa loob ng hotel o hotel premises at mall area.

Pero batay sa pasya ng IATF, hanggang 30 % venue capacity lamang ang pinapayagan base na rin sa nasabing direktiba ng task force.

Naatasan naman ang Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI) na maglabas ng kaukulang panuntunan hinggil sa mga isasagawang seminar o anu pa mang aktibidad na nabanggit.

Sa kabilang banda, in-adopt din sa isinagawang  87th IATF Meeting ang rekomendasyon  ng Office of the Cabinet Secretariat na magpatupad ng  Safety Seal Certification Program bilang karagdagan sa  StaySafe.ph.

Sa ilalim nito, required ang lahat ng establisimyento tulad ng government offices, private companies, business establishments, hotels at public transportation units, na i- adopt ang Safety Seal.

Binigyan naman ng direktiba ng IATF ang Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), department of tourism (DOT), at Department of Transportation (DOTr) na mag-isyu ng memorandum circular upang idetalye ang requirement sa pagkakaroon ng Safety Seal.

Dito, inoobliga ang pagkakaroon ng Stay Safe application at QR Code na ilalagay sa entrances ng mga kinauukulang establisimyento.

More in National News

Latest News

To Top