health workers COVID-19

30 pamilya ng nasawing health workers dahil sa COVID-19, natanggap na ang P1-M ayuda  

National News

Kinumpirma mismo ng Department of Health na natanggap na ng 30 pamilya ng nasawing health workers sanhi ng COVID-19 ang tig-1 milyong cash aid mula sa pamahalaan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang dalawang pamilya na kabilang sa mga makatatanggap ay nasa abroad.

Nakikipag-ugnayan na ang DOH kung paano nila matatanggap ang nasabing compensation na nakasaan sa Bayanihan To Heal As One Act.

Natapos na rin na naipamahagi ng DOH ang tig-100 libong piso para sa 19 health workers na nagkaroon ng malubhang kondisyon sanhi ng pagkahawa sa mga COVID-19 patient.