Connect with us

3 road concreting project ng NTF-ELCAC, makatutulong para umunlad ang ekonomiya sa Mt. Province

Aarangkada na ang konstruksyon ng 3 road concreting project sa ilalim ng programa ng NTF-ELCAC sa Mt. Province.

Regional

Kamakailan lang ay isinagawa ang ground breaking ceremony sa paggawa ng kalsada mula Brgy. Tamboan, Besao, Mountain Province – Brgy. Lamag, Ilocos Sur – Brgy. Tubtuba, Abra.

Lubos na ikinagalak ni Mt. Province Gov. Bonifacio Lacwasan Jr. sa paglalaan ng pondo ng national government sa kanilang lugar na tiyak na makatutulong para lumago pa ang ekonomiya ng mga makakabenipisyong mga barangay.

May be an image of 1 person and outdoors

Pinondohan ang naturang proyekto mula sa Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ayon kay Gov. Lacwasan, matapos ang maraming taon na paghihintay sa wakas ay masesementohan na ang kanilang rekwes na barangay to market road.

More in Regional

Latest News

To Top