Connect with us

3 pulis Maynila, arestado sa pagpaslang sa isang Korean national

Hindi na nakapalag pa ang tatlong miyembre ng MPD  matapos itong arestuhin dahil sa di umamoy sinasangkot sila  sa pagpaslang sa isang Koreano sa tapat ng isang sementeryo sa Maysan, Valenzuela  City.

National News

3 pulis Maynila, arestado sa pagpaslang sa isang Korean national

Hindi na nakapalag pa ang tatlong miyembre ng MPD  matapos itong arestuhin dahil sa di umano’y sangkot sila  sa pagpaslang sa isang Koreano sa tapat ng isang sementeryo sa Maysan, Valenzuela  City.

Ayon kay MPD Director PBGeneral Leo Francisco, kabilang sa mga dinakip ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.

Sinabi ni  Francisco, nakipag-coordinate sa kanya ang tracker team ng Valenzuela City Police na pinamumunuan ni Major Ferdinand Mendoza hinggil sa pagkakasangkot ng tatlong pulis sa pagpaslang sa biktimang si Sunuk Nam, 55-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima na si  Sunuk Nam sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan Valenzuela City alas-7 ng umaga noong February 15, 2021.

Kaugnay nito, walong indibidwal ang dinakip ng Valenzuela City Police at dito natukoy ang pagkakasangkot ng tatlong pulis Maynila sa krimen.

Ayon kay Gen. Francisco, may kinalaman sa salapi ang motibo sa pagpaslang sa dayuhang Koreano.

Sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc, pawang nakataga sa  Roxas Blvd PCP ay mahaharap  ngayon sa kasong murder.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top