Connect with us

3 Pinoy na nakitaan ng sintomas ng COVID-19, nagnegatibo sa sakit

Pumalo na sa 224, 264 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang ngayong Martes, Setyembre 1.

National News

3 Pinoy na nakitaan ng sintomas ng COVID-19, nagnegatibo sa sakit

Negatibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang lahat ng Pilipino na naka-quarantine sa New Clark City na nakitaan ng mga sintomas ng sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pawang nagnegatibo sa COVID-19 ang 3 pang Pinoy na dinala sa ospital matapos ang ginawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa ngayon ay wala na aniyang nakabinbin na mga test at lahat ng 13 Pinoy na nakitaan ng sintomas ng flu ay negatibo sa sakit.

Sinabi ni Duque na naibalik na rin sa New Clark City Athlete’s Village ang mga Pinoy para kumpletuhin ang kanilang 14 na araw na quarantine.

Noong nakaraang linggo ng dumating sa bansa ang 455 na Pilipino na inilakas mula sa tinamaan ng virus na Diamond Princess Cruise Ship sa Japan.

More in National News

Latest News

To Top