Nagbitiw sa pwesto ang tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa mga anomalya sa loob ng ahensya.

3 opisyal ng PhilHealth, nagbitiw sa pwesto dahil sa isyu ng korapsyon

National News

Nagbitiw sa pwesto ang tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa mga anomalya sa loob ng ahensya.

Isa sa mga opisyal ay si PhilHealth Anti-fraud Legal Officer Thorsson Montes Keith, na binanggit ang ilan sa mga pangunahing dahilan nito para sa kanyang pagbitiw sa pwesto.

Kabilang dito ang mandatoryong pagbabayad ng PhilHealth sa kontribusyon ng Overseas Filipino Workers na aniya’y hindi sakop ng Universal Health Care Law.

Ang laging delay ng pag-rerelease ng sahod at hazard pay na pinasimulan niyang paimbestigahan sa mga ilang opisyal ng PhilHealth at ang hindi patas na proseso ng promosyon.

Epektibo naman ang pagbaba sa pwesto ni Keith sa katapusan ng Agosto.

Kaugnay nito, pinabulaan naman ni PhilHealth President Ricardo Morales ang isyu ng kuraposyon sa loob ng PhilHealth.

Aniya, mayroong lamang sigurong mga pagkakamali dahil aabot sa 50,000 ang transakyon ng ahensya kada araw, ngunit walang korapsyon.

Giit pa ni Morales, dapat ilabas ni Keith ang mga ebidensya ng katiwalian.

Kaya lamang aniya ito nagalit sapagkat bigong makuha nito ang gustong posisyon nang nagbitiw na si Executive Assistant Etrobal Laborte dahil sa pag-aaral.

Isinulat ni: Joshua Bencio