LGU, maaaring magbigay ng mga sasakyan sa mga mai-stranded na mga manggagawa

3 opisyal na lumabag sa quarantine protocols, kinasuhan na ng DILG

National News

Sinampahan na ng kaso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 3 local government official dahil sa paglabag ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols ng national government.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kabilang sa kinasuhan sa ombudsman ang alkalde at isang konsehal ng Sto. Tomas, Pangasinan dahil sa pagsaggawa ng birthday celebration na lumabag sa social distancing at sa ipinaiiral na curfew.

Nahaharap din aniya sa reklamo ang alkalde ng Buluan, Maguindanao matapos mabigong pigilan ang mass gathering sa kanyang nasasakupan.

Sinabi ng DILG na wala silang natanggap na anumang sagot sa show cause order na inisyu sa alkalde.

Nagpadala rin ang DILG ng letter of admonition at warning sa isang city mayor mula Central Luzon at 2 municipal mayors mula Western Visayas at Ilocos Region.

Ito ay dahil sa pagsasagawa ng mass gathering, pagtanggi sa umuwing Overseas Filipino Workers na magquarantine sa kanilang munisipalidad at pagiging magaspang ang ugali sa mga pulis na nakatalaga sa isang checkpoint.