Connect with us

3 mula sa 4 na Pilipinong nurses, payag na mabakunahan laban sa COVID-19

Nasa tatlo mula sa apat na Pilipinong nurses ang payag na mabakunahan laban sa COVID-19.

Uncategorized

3 mula sa 4 na Pilipinong nurses, payag na mabakunahan laban sa COVID-19

Nasa tatlo mula sa apat na Pilipinong nurses ang payag na mabakunahan laban sa COVID-19.

Ito ayon sa resulta ng isinagawang isang linggong survey ng Filipino Nurses United (FNU) mula sa 646 na nurse respondents.

Mula sa nasabing bilang, 494 dito o 76.5 % ang nagpahayag ng gustong mabakunahan habang 37 naman ang umayaw dahil sa takot sa side-effects ng bakuna at iba pang dahilan.

Nasa 115 na nurses naman ang undecided dahil nais pa nilang matiyak kung ligtas ang mga bakuna.

Ayon sa pahayag ng FNU, ipinakita sa kanilang survey na willing ang mga nurse na mabakunahan kapag may garantiya sa kanilang kaligtasan habang patuloy silang nagseserbisyo sa kanilang mga pasyente.

Matatandaan na halos umabot na sa 15,000 health workers ang nahawaan ng COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya.

Nanawagan naman ang grupo sa gobyerno na maging responsible sa vaccine regulation at pagmonitor sa posibleng side effects nito, indemnification para sa mga malalang epekto at pagkamatay, para sa paggamo at pagpapa-ospital ng lahat ng health workers at ng publiko.

Continue Reading
You may also like...

More in Uncategorized

Latest News

To Top