Connect with us

3 CPP-NPA, patay sa engkwentro sa Caraga

Patay ang tatlong miyembro ng CPP-NPA matapos makaengkwentro ang militar sa Caraga.Nangyari ang unang engkwentro sa Agusan del Sur

National News

3 CPP-NPA, patay sa engkwentro sa Caraga

Patay ang tatlong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-​ (CPP-NPA) matapos makaengkwentro ang militar sa Caraga.

Nangyari ang unang engkwentro sa Sitio Tibog, Mabuhay, Prosperidad, Agusan del Sur kung saan nakaharap ng militar ang 20 CPP-NPA.

Tumagal ng 5 minuto ang palitan ng putok  kung saan nasagip ang isang menor de edad.

Habang nangyari ang ikalawang engkwentro sa Sitio New Decoy, Diatagon, Lianga na tumagal ng 10 minuto.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lenie Perez Rivas, Willy Salinas Rodriguez, at isang 12 taong gulang na menor de edad, pawang mga miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang ilang baril, anti-personnel mine, claymore mine, magazine, blasting cap at iba pa.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top