Connect with us

2nd dose ng mga nakaranas ng adverse effect sa kanilang 1st dose, tuturukan ng ibang brand

Mga nakaranas ng adverse effect sa 1st dose ng COVID-19 vaccine, ibang brand na ang ituturok sa 2nd dose

National News

2nd dose ng mga nakaranas ng adverse effect sa kanilang 1st dose, tuturukan ng ibang brand

Maaari pa ring maturukan ng 2nd dose ang mga indibidwal na magkakaroon ng severe allergic reaction matapos mabakunahan, pero ibang brand na.

Sa virtual briefing sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination, magkaiba man ang brand ng 2 shots, magkakapareho naman ang vaccine platform nito.

Ipinunto naman ni Dr. Bravo na ang mga nakaranas ng malubhang epekto ng mga bakuna ay napakaliit lamang na porsyento.

Aniya 3% lamang ng mahigit 4 na milyong ka-tao na nabakunahan ang naiulat na nakaramdam ng adverse event mula noong Marso kung kailan nagsimula ang vaccination program ng pamahalaan.

Muling iginiit ng naturang eksperto na ang mga COVID-19 vaccine na ipinamahagi sa bansa ay ligtas.

More in National News

Latest News

To Top