Connect with us

27 mambabatas ng UK, nababahala sa pagkakakulong ni Sen. De Lima

Nagpahayag ng pagkabahala sa kalagayan ng nakakulong na si Senador Leila De Lima ang 27 miyembro ng UK parliament.

National News

27 mambabatas ng UK, nababahala sa pagkakakulong ni Sen. De Lima

Nagpahayag ng pagkabahala sa kalagayan ng nakakulong na si Senador Leila De Lima ang 27 miyembro ng UK parliament.

Ang naturang mga mambabatas ay karagdagan sa mga listahan ng international group, mga lider at personalidad na nanawagan para sa pagpapalaya kay De Lima.

Matatandaan na nasa ikalimang taon na ang senadora sa kanyang pagkaka-detine dahil sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa pahayag ng mga parliamentarian, ang pagkulong kay De Lima ay pagsira umano sa demokratikong kalayaan ng Pilipinas.

Kinondena din ng UK parliamentarians ang umano’y pang-aabuso sa karapatang pantao ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, partikular na dito ang nangyayari umanong extra judicial killings sa bansa.

Samantala, nito lamang nakaraang linggo,ika-5 ng Marso, ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang motion for reconsideration nina Sen. Leila de Lima at kanyang dating driver na si Ronnie Dayan kaugnay ng kanilang illegal drug case.

Nanindigan naman ang Muntinlupa RTC na hindi maaring madismiss ang isa sa dalawang natitirang kaso ng Senadora.

Sa apela ni De Lima,  hindi siya nakatanggap ng ₱10M kickback mula sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison habang ito ay nakaupo bilang justice secretary.

Ayon kay Judge Leizel Acquiatan, kailangang maghain ng ebedensya ang dalawang kampo para patunayang inosente ang mga ito sa kasong isinampa sa kanila.

Matatandaan na ang paratang ay nanggaling  kay Dating BuCor Officer in Charge Rafael Ragos na siya pa umano ang nagdadala ng pera sa bahay ni De Lima.

Magsisimula naman sa March 26 ay magkakaroon na ng lingguhang paglilitis sa kaso ng senadora.

Matatandan na una ng ibinasura ang isa sa tatlong drug cases ng dating justice secretary.

 

More in National News

Latest News

To Top