26 na paliparan sa bansa, balik-operasyon na ayon sa CAAP

National News

Umabot na sa 26 na paliparan ang balik-operasyon na para sa mga commercial flight nito sa bansa.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP spokesperson Eric Apolonio ang pagba balik-operasyon para sa mga commercial flight ng ilang airlines sa ilang paliparan sa bansa ay base na rin sa pagpapahintulot ng mga local government unit bilang destinasyon ng mga mananakay.

Kabilang sa mga nagbalik-operasyon na mga local airport sa bansa ay ang General Santos, Puerto Princesa, Tacloban, Legazpi, Romblon, Naga, Cauayan, Palanan sa Isabela, Laguindingan sa Misamis Oriental, Dipolog, Pagadian, Jolo, Borongan, Antique, Masbate, Cotabato, Zamboanga, Ormoc, Catbalogan, San jose sa Mindoro Occidental, at Catarman, Ozamis.

Bukod sa Manila International Airport ay nagbukas na rin ang Davao, Mactan-Cebu, at Clark International Airport sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Dagdag pa ni Apolonio, ang pinapayagan lamang na sumakay sa mga commercial flight ay ang mga Overseas Filipino Worker, locally stranded individuals, mga otorisadong tao at ang mga inimbitahan ng city o ng provincial government.

Bukod pa rito ay aminado si Apolonio na may mga dapat na kumpletuhin na dokumento ang isang pasahero alinsunod na rin sa hinihiling ng mga LGU.

Samantala, bukod sa mga nabanggit na magbabalik-operasyon na mga local airport ay may 17 pang mga airport na ino-operate ng CAAP ang hindi pa pinapayagan ng mga LGU.

Mayroon namang 6 pa na mga paliparan ang nakatakda na ring mag-operate sa Hulyo 1; kabilang na rito ang Basco, Virac, Butuan, Busuanga San Vicente Palawan, habang sa Agosto at Setyembre naman ang pagbabalik-operasyon ng Surigao at Siargao Airport.