Connect with us

23 communist terrorist, sumuko sa Zamboanga Del Sur

Sumuko ang 23 miyembro ng communist terrorist group sa Zamboanga del Sur.

Regional

23 communist terrorist, sumuko sa Zamboanga Del Sur

Sumuko ang 23 miyembro ng communist terrorist group sa Zamboanga del Sur.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas, ang mga ito ay bahagi ng Barangay Revolutionary Committee na kilala rin na “Sangay sa Partido sa Lokalidad,” party branch ng Western Mindanao Regional Party Committee.

Wala aniya sa Periodic Status Report ang nasabing support group pero may malaking responsibilidad sa communist terrorist group.

“These CPP-NPA support group members are not listed in the Periodic Status Report but they have large responsibilities within the Communist Terrorist Group.”

Lumagda naman sa Oath of Allegiance ang mga sumuko.

Tiniyak naman ni Sinas na nananatiling bukas ang kanilang pinto para sa mga nagnanais na magbalik loob sa gobyerno.

“While the PNP opposes the use of “armed struggle” as a means to attain political ends, we are keeping our doors constantly open to any member of the local communist armed movement who would want to surrender peacefully and return to the fold of the law”

Sinabi naman ni Lapuyan Zamboanga del Sur Municipal Mayor Joel B. Sulong, “The voluntary surrender of the said personalities to the government will help the government in the clearing of the mass base in the said barangay in the long term. The disruption of the support system of the group to the armed wing of the CTG will surely affect their logistical and operational capabilities and network in the area.”

Samanatala, napatay naman ng militar ang 5th most wanted person sa Balabagan, Lanao del Sur.

Kinilala ito ni AFP Western Mindanao Command chief Lieutenant General Corleto Vinluan na si Jayson Sampiano Deniega alyas Nonoy na sangkot sa multiple murders, drug trafficking at extortion.

Ayon kay Lieutenant Colonel Tino Maslan, commanding officer ng Marine Battalion Landing Team 5, tumakas at nagpaputok si Deniega at dalawa niyang kasabwat nang isisilbi nila ang warrant of arrest dahilan upang gumanti rin sila ng putok.

Nagtamo ng tama si Deniega na isinugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival. Habang pinaghahanap naman ang dalawang kasabwat ng suspek na nagawang makatakas sa otoridad.

(Image shown above is for illustration purpose only)

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top