23 kinasuhan anomalya ayuda

23 brgy officials, kinasuhan dahil sa anomalya sa pamimigay ng ayuda

National News

Kinasuhan ang 23 mga opisyales ng barangay dahil sa anomalya sa pamimigay nito ng ayuda mula sa SAP ng pamahalaan.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mismong PNP-CIDG ang nagsampa ng kaso laban sa mga ito sa Department of Justice.

Nilabag ng nasabing mga opisyales ang RA 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act; at RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Naunang inireklamo ang mga ito dahil sa pamemeke ng masterlist at pangungutong mula sa mga beneficiaries.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang higit 100 barangay officials na inireklamo ng katiwalian sa distribusyon ng SAP.

Karamihan sa mga sangkot ay mga punong barangay, mga barangay kagawad, barangay treasurers, secretaries, at maging ang social workers.