Connect with us

208 repatriated OFWs mula Dubai at UAE, nakauwi na sa bansa

208 repatriated OFWs mula Dubai at UAE, nakauwi na sa bansa

COVID-19 UPDATES

208 repatriated OFWs mula Dubai at UAE, nakauwi na sa bansa

Sinalubong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 208 repatriated Filipino seafarers ng 3 cruise ship mula sa Dubai at United Arab Emirates.

Ito ay bahagi ng repatriation plan ng pamahalaan sa mga manggagawang Pinoy abroad bilang tugon sa patuloy na krisis na dala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa DFA, ang mga nasabing mga OFWs ay mga nagtatrabaho sa Nautica, Norwegian Jade, at Seven Sease Voyager Cruise Ships.

Image may contain: one or more people, people standing and indoor

Samantala, sasailalim muna ang mga naturang Pinoy seafarer sa mandatory 14-day quarantine bago tuluyang makauwi sa kanilang mga tahanan, bilang bahagi ng preventive measure laban sa COVID-19.

Image may contain: one or more people

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH), Bureau of Quarantine, Department of Labor and Employement (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Transportation (DOTR) para tulungan ang mga manggagawang Pinoy sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Samantala, 33 repatriated OFWs mula Indonesia, dumating na sa bansa; Bilang ng repatriated OFWs dahil sa COVID-19 pandemic, umabot na 12,144

Image may contain: one or more people

Dumating na sa bansa ang karagdagang 33 Pinoy repatriates mula sa Indonesia dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Image may contain: one or more people

Lumapag kagabi, Abril 12, sa NAIA Terminal 1 lulan ng Korean Air Flight KE 623 via Seoul ang mga nasabing Pinoy repatriates kung saan 23 sa 33 OFWs na ito ay piniling mag-resign na sa kanilang mga trabaho dahil sa COVID-19 scare.

Ang repatriation ay isang joint undertaking sa pagitan ng pribadong sektor at ng
Department of Foreign Affairs (DFA), sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta at Philippine Consulate General sa Manado, Indonesia.

Tiniyak naman ng DOH-Bureau of Quarantine na mahigpit pa ring ipatutupad ang health protocols at magbibigay ng tulong ang iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mga OFWS sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Samantala, umabot na sa 12,144 ang kabuuang bilang ng mga manggagawang Pinoy abroad ang nai-repatriate ng pamahalaan, kung saan 9,136 dito ay seafarers at 3,008 naman ang land-based OFWS.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top