Connect with us

207 na kumpanya, isinara ng BIR dahil sa iba’t-ibang paglabag sa buwis

Umabot sa 207 na kumpanya ang isinara ng Bureau of Internal Revenue sa loob ng limang buwan sa kasalukuyang taon dahil sa iba't-ibang paglabag sa buwis.

National News

207 na kumpanya, isinara ng BIR dahil sa iba’t-ibang paglabag sa buwis

Umabot sa 207 na kumpanya ang isinara ng Bureau of Internal Revenue sa loob ng limang buwan sa kasalukuyang taon dahil sa iba’t-ibang paglabag sa buwis.

Sa isang pahayag sinabi ng Department of Finance (DOF) na ginawa ang naturang hakbang sa ilalim ng Oplan Kandado Campaign ng ahensya na nagresulta ng pagkolekta ng ₱995.04 million na buwis.

Base sa report ng BIR sa DOF ,sa buwan ng Mayo ay mayroong 36 na establisyimento ang isinara kung saan nasa ₱37.3 million ang nakolektang buwis.

Noong nakaraang taon umabot din sa 209 establisyimento ang isinara at mayroong ₱607.87 million na buwis ang nakalolekta sa ilalim ng Oplan Kandado Program ng ahensya.

More in National News

Latest News

To Top