National News
2022 National Budget maipapasa sa takdang panahon sakabila ng preparasyon sa eleksyon – Sen. Lacson
Tiniyak ni Sen. Panfilo Lacson na on time na maipapasa sa senado ang 2022 national budget sakabila ng kanilang preparasyon sa general elections na gagawin sa susunod na taon
Malabo rin aniya na magkaroon ng re enacted budget ang bansa.
Ayon kay Lacson, gagawin niya maging ng kanyang mga kasamahan sa Senado ang kanilang trabaho na busisiin ang pambansang badyet at ito ay aprubahan bago mag-break ang sesyon sa Disyembre.
Sa oras naman na magsimula ang budget hearing sa Senado ay sinabi ni Lacson na aalamin nito sa mga opisyal kung bakit mas malaki kumpara sa budget deficit ang mga halagang inuutang ng pamahalaan.
Napagalaman namang inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee ang P5.024 trilyon na budget para sa susunod na taon sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program