Connect with us

2022 line up ng partido ni dating Pangulong Marcos, ilalabas bukas

Ilalabas na bukas ng partido Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ang kanilang line up para sa 2022 national elections.

National News

2022 line up ng partido ni dating Pangulong Marcos, ilalabas bukas

Ilalabas na bukas, ika-24 ng Setyembre ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) Party ang kanilang line up para sa 2022 national elections.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, ngayon ay Executive Vice President ng partido, sa isang private resort and casino sa Antipolo Rizal gaganapin ang launching at si dating Sen. Bongbong Marcos ang kanilang panauhing pandangal.

Ang KBL naman ang political party ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon naman kay Gadon, magsasagawa ng National Convention ang KBL kung saan eendorso nila bilang kandidato sa pagka-presidente sa 2022 presidential elections si BBM.

Samantala, muli namang tatakbong senador si Gadon sa darating na halalan.

More in National News

Latest News

To Top