Connect with us

2022 General Appropriations Bill, aprubado na sa Senado

2022 General Appropriations Bill, aprubado na sa Senado

National News

2022 General Appropriations Bill, aprubado na sa Senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang 2022 General Appropriations Bill (GAB).

sa ilalim ng senate version, patuloy na makatatanggap ng malaking portion sa budget ang Dept. of Health (DOH) para mapaghandaan ang mga worst case scenario sa gitna ng mas mapanganib na omicron variant.

“May pagbabago man sa mga detalye at mga halaga, hindi naman nagbago ang pinakaadhikain ng ating panukalang budget, na magsilbi siyang pangunahing paraan para ipagpatuloy ang pag-anhon ng bansa mula sa pandemiya”, ani Senator Sonny Anagara

Ayon kay Angara, na siyang sponsor ng budget bill, makatatanggap ang Dept of Health (DOH) ng P226.7-B na mas mataas sa P182.67-B na inaprubahan sa ilalim ng General Appropriations Bill (GAB) ng Kamara.

Ilan sa mga item na nakatanggap ng increase sa ilalim ng alokasyon ng DOH ay may kinalaman sa pandemic response partikular ang COVID-19 benefits and compensation ng mga healthcare workers; COVID-19 human resource for health emergency hiring; covid-19 laboratory network commodities; epidemiology and surveillance program; operasyon ng research institute for tropical medicine; at para sa hiring at pagsasanay ng mga nasa 25,000 na contact tracers.

Inihayag din ni Angara na may special provisions sa budget bill para sa alokasyon at pagbili ng Food and Drug Administration (FDA) ng mga apprubadong medisina o gamot kontra COVID-19, tulad ng Molnupiravir.

Maliban sa DOH, isa pa sa makakatanggap ng pinakamataas na pondo ay ang education sector.

Napag-alaman na P6.7-B ang idinagdag ng mga senador para sa pondo ng DEPED.

Ang mga state universities and colleges (SUCs), ay matatanggap ng P26.56-B habang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay makakakuha ng P1.46-B ayon kay Angara.

“This will be particularly important as we consider the expansion of face-to-face classes to more schools across the country. funding support will remain for our schools as they make a transition to safe, face-to-face operations,” ‘

Samantala, pagkatapos na maarubahan ang budget bill ay agad itong susundan ng bicam ng upper at lower house.

Kasama sa delegasyon ng senado para sa bicam ay sina Sen. Sonny Angara, Majority Floor Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri; Senators Cynthia A. Villar; Ronald “Bato” Dela Rosa; Pia S. Cayetano; Sherwin T. Gatchalian; Christopher Lawrence “Bong” T. Go; Richard J. Gordon; Risa Hontiveros; Imee R. Marcos; Joel J. Villanueva; Nancy S. Binay; at Grace S. Poe-Llamanzares.

More in National News

Latest News

To Top