Connect with us

2021 national budget, huwag idamay sa speakership issue – Pang. Duterte

Nakikiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na ipasa na ang national budget at huwag idamay ito sa isyu ng giriian sa term-sharing agreement.

National News

2021 national budget, huwag idamay sa speakership issue – Pang. Duterte

Nakikiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na ipasa na ang national budget at huwag idamay ito sa isyu ng giriian sa term-sharing agreement.

Ayon sa pangulo, marami ang nangangailangan ngayon ng budget dahil sa kinakaharap ngayon ng bansa na dulot ng COVID-19 pandemic.

Hiningi pa nito na huwag siyang idamay sa kanilang away dahil nais ng pangulo na maganda ang kanyang administrasyon.

“Gusto kong maganda ang administrasyon ko sana kung kaya ko rin. Pero huwag ninyo na ako idamay sa away ninyo and in the future people would be asking what happened to the administration of Duterte”

“Kaya nakikiusap ako sa mga kasama ko sa gobyerno, lalo na iyong hinalal, na huwag naman ninyo akong idamay. Ako gusto ko, kayo hindi. Diyan tayo magkakaroon ng problema,” dagdag pa ng pangulo.

Ipinatitiyak din nito kay Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na resolbahin ang kanilang bangayan sa speakership at ipasa ang P1.4 trillion na 2021 national budget.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na kung hindi magagawa ng mga mambabatas  ang kanilang trabaho ay siya mismo ang gagawa para sa kanila.

Ani Duterte, ” We always forget that there is something more, higher than just delaying or maneuvering in Congress because everybody wants to be speaker.

Gusto ko na ayusin ninyo. If and when I see that there will be a delay and it will resolve the derailment of government service, I will solve the problem for you. Sana maintindihan ninyo ako.”

We will see in the next few days if there is really something that we can hope for.  Kapag wala, then I will do my thing.”

Iginiit pa nito na huwag namang sobrahan ang laro sa Kongreso na pati ang panukalang pambansang budget at nailalagay na sa alanganin.

More in National News

Latest News

To Top