Connect with us

201 kadete ng PNPA “Sansiklab” class of 2019, nagsipagtapos ngayong araw

sansiklab

National News

201 kadete ng PNPA “Sansiklab” class of 2019, nagsipagtapos ngayong araw

Nagsipagtapos ngayong araw ang 201 na mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Sansiklab” class of 2019.

Panauhing Pandangal sa 40th Commencement Exercises ng PNPA na ginanap sa Kampo Heneral Mariano Castañeda, Silang, Cavite sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Ang programa ay may temang “Bagong Henerasyong Tagapagtanggol: adhikain ay Kapayapaan ng bayan tungo sa isang maunlad na pamayanan.”

Si Cadet Jervis Allen Ramos ang class valedictorian na ginawaran ni Duterte ng Presidential Kampilan award.

Makatatanggap din si Ramos ng bahay at lupa.

Ang PNPA Sansiklab Class of 2019 ay binubuo ng 154 na lalaki at 47 na babaeng kadete.

Kung saan 138 sa mga ito ay mapupunta sa PNP, 41 ay magiging bahagi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Habang ang 22 ay magiging bahagi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

DZARNews

More in National News

Latest News

To Top