Connect with us

20,000 tablets na undeclared Ivermectin, nasabat ng BOC-NAIA

Nagbabala si World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa paggamit ng ivermectin sa tao bilang gamot sa COVID-19.

National News

20,000 tablets na undeclared Ivermectin, nasabat ng BOC-NAIA

Nasabat ng Bureau of Customs Port – Ninoy Aquino International Airport (BOC Port – NAIA) ang 20,000 capsule na Ivermectin.

Galing ang gamot na ito sa Finstand Inc. mula sa New Delhi, India na idineklara bilang food supplements, multivitamins at multi-mineral capsules.

Pahayag ni Food and Drug Administration (FDA) Director Jesusa Joyce Cirunay, sa ngayon, ang Ivermectin ay nasa ilalim ng compassionate use ng specialized instituions na pinayagan ng FDA sa pamamagitan ng compassionate special permit.

Aniya, ang importer ay kailangan ng magpresenta ng license to operate bilang drug importer and Emergency Use Authorization (EUA) o ng Certificate of Product Registration (CPR).

Sinabi naman ni Bureau Of Customs (BOC) commissioner na si Rey Leonardo Guerrero, mabilis ang pagproseso ng ahensiya sa pag-release ng COVID-19 vaccines at iba pang medical drugs ngunit mahigpit pa rin ang pagbabantay nito para sa smuggled, unregistered, at misdeclared na mga produkto.

 

More in National News

Latest News

To Top