Connect with us

2 tauhan ng PNP, patay sa COVID-19

Umabot na sa 121 ang mga nasawing tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19

National News

2 tauhan ng PNP, patay sa COVID-19

Umabot na sa 121 ang mga nasawing tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos madagdag ang dalawang pulis.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, ang ika-120 nasawi ay isang 31 taong gulang na Police Corporal na nakatalaga sa Municipal Police Station sa Calabarzon na binawian ng buhay noong Oktubre 6 sa Philippine General Hospital dahil sa obstructive shock mula sa pulmonary embolism.

Habang ang ika-121 nasawi ay isang Police Executive Master Sergeant na nakatalaga sa Police Station sa Metro Manila na binawian ng buhay noong Oktubre 5 sa National Kidney Transplant Institute dahil sa COVID-19 critical pneumonia.

Tiniyak ni Eleazar sa pamilya ng mga nasawing pulis ang lahat ng death benefits at assistance mula sa PNP.

Samantala, umabot na sa 40,548 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP, 38,700 ang mga gumaling at 1,727 ang aktibong kaso.

More in National News

Latest News

To Top