Connect with us

2 suspek sa pagbebenta ng vaccination slots sa Mandaluyong, kinasuhan na

Nasampahan na ng mga reklamo sa Mandaluyong City Prosecutor’s office ang dalawang suspek na nasa likod ng umano’y pagbebenta ng vaccination slots sa lungsod.

National News

2 suspek sa pagbebenta ng vaccination slots sa Mandaluyong, kinasuhan na

Nasampahan na ng mga reklamo sa Mandaluyong City Prosecutor’s office ang dalawang suspek na nasa likod ng umano’y pagbebenta ng vaccination slots sa lungsod.

Sa isang pahayag, kinilala ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Cyle Cedric Soriano Bonifacio na una nang sumuko sa mga otoridad at Melvin Polo Gutierrez.

Ayon kay Eleazar, kinasuhan ang mga ito ng estafa at paglabag sa anti-red tape law of 2007 at cybercrime prevention act of 2012.

Pinangalanan aniya ni Bonifacio si Gutierrez, isang fire at barangay volunteer na umano’y contact niya para makakuha ng vaccination slot sa Mandaluyong,

Iginiit naman ni Bonifacio na isang beses lamang siyang sumali sa transaksyon at nakatanggap ng P12,000 “reward” sa pamamagitan ng online bank transfer.

Tingin naman ni Eleazar na may iba pang sangkot sa nasabing scheme.

Dahil dito, tiniyak ng PNP chief sa publiko na iimbestigahan ang illegal scheme ng criminal investigation and detection group at PNP anti-cybercrime group.

Pinaalalahan din nito ang publiko na libre ang mga bakunang inaalok ng Local Government Units (LGUs) at hind nila kailangan maglabas ng pera para sa kanilang pagpapabakuna.

More in National News

Latest News

To Top