Connect with us

2 senador, duda na masasampahan ng kasong kriminal si Sec. Duque

Health Sec. Francisco Duque III, negatibo sa COVID-19

National News

2 senador, duda na masasampahan ng kasong kriminal si Sec. Duque

May pagdududa ang 2 senador  sa naging rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole na sampahan ng criminal charges si Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson,  maaring hindi sapat ang ebedensya na nakuha sa ginawang tatlong pagdinig ng Senado para idiin ang kalihim sa mga anomalya sa paggamit ng pondo ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng Philhealth.

Dagdag pa ng mambabatas si Duque bilang Philhealth ex officio chairman ay walang kinalaman sa implementation ng illegal disbursement sa ilalim ng IRM.

Hindi rin daw saklaw ng board ang pagbili o ang procurement ng mga overpriced IT equipment.

Sa kabila nito ay sinabi ni Lacson na baka may nakitang ibang ebedensya si Senator Vicente Sotto III na siyang Chairman ng komite na hindi niya napansin laban sa health secretary.

Pero aniya, maaring ikonsidera ang kasong administratibo  para kay Duque kung mapatutunayan na mayroon itong kapabayaan at irregukaridad sa kaniyang posisyon.

Si Sen.Richard Gordon naman nagsabi na suportado nito ang Committee report.

Pero pagdating sa inirekomendang kaso laban kay Duque ay may reservations aniya ang senador.

Aniya, isinisi kay Duque ang korupsyon sa IRM funding pero hindi naman aniya present o nakapagparticipate ang kalihim sa pagbuo ng pinakabagong IRM cash advance ng Philhealth.

Inaasahan naman na gagawa ng magpapakita si Sen. Gordon mamaya sa senate floor para sa kaniyang mga reservations sa mga kasong inirekomendang isampa laban sa health secretary.

Kahapon ng ilabas ni Sotto III ang kaniyang rekomendasyon na sampahan ng kasong Malversation at Graft si Duque kasama sina Resigned Philhealth Chief Ricardo Morales at iba pang Philhealth top officials ng PhilHealth.

 

More in National News

Latest News

To Top