Connect with us

2 Pulis kabilang ang sangkot sa pagbebenta ng Tocilizumab, tiyak na masisibak –  PNP Chief

Inatasan ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na bilisan ang imbestigasyon laban sa dalawang pulis na sangkot sa iligal na aktibidad.

National News

2 Pulis kabilang ang sangkot sa pagbebenta ng Tocilizumab, tiyak na masisibak –  PNP Chief

Inatasan ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na bilisan ang imbestigasyon laban sa 2 pulis na sangkot sa iligal na aktibidad.

Kabilang dito si Police Staff Sergeant Ariel Yalung na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City dahil sa iligal na pagbebenta ng overpriced na Tocilizumab na gamot na ginagamit sa COVID-19.

Habang si Police Staff Sergeant June Angeles ay nasakote ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) dahil sa pangingikil sa asawa ng isang preso sa San Mateo, Rizal.

Ayon kay Eleazar, tinitiyak niya na matatanggal sa serbisyo ang 2 pulis dahil sa kalokohang kinasangkutan.

Patuloy aniya ang gagawing paglilinis sa kanilang hanay kung saan hiningi rin nito ang tulong ng publiko para isumbong ang mga pulis na sangkot sa iligal na gawain.

More in National News

Latest News

To Top