Connect with us

2 puganteng Koreano, naaresto sa operasyon sa Taguig City

2 puganteng Koreano, naaresto sa operasyon sa Taguig City

National News

2 puganteng Koreano, naaresto sa operasyon sa Taguig City

Nadakip ng PNP-CIDG Anti-Transnational Crime Unit ang dalawang Koreano matapos ang simultaneous operations sa Taguig City.

Ginawa ang operasyon dahil sa natanggap na Interpol Red Notice ng pulisya.

Kinilala ni PNP chief Police General Dionardo Carlos ang mga nahuli na sina Han Juyoung, 26 taong gulang at Gim Sihun aka Kim Sihun, 26 taong gulang na nahaharap sa kasong fraud sa South Korea.

Mga miyembro umano ng isang telecom fraud organization ang mga naaresto na nambiktima ng mga kapwa Koreano ng tinatayang 29 milyong Korean Won.

Nagpapanggap din umano ang dalawang Koreano na tauhan ng “Hyundai Capital” na nag-aalok ng mababang interest loans para sa advance payments.

Nasa kustodiya na ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI) ang mga suspek para sa proper disposition.

More in National News

Latest News

To Top