Connect with us

2 OFWs, kritikal ang kondisyon sanhi ng pagsabog sa isang pantalan sa Beirut, Lebanon

Kritikal ang kondisyon ng 2 Overseas Filipino Worker (OFWs) matapos ang malakas na pagsabog isang pantalan sa Beirut, Lebanon.

National News

Ayon kay Overseas Workers Welfare Adminstration Hans Leo Cacdac, aabot sa 36 na mga Pinoy ang apektado sa nangyaring pagsabog kung saan 4 sa mga ito ang nasawi, 31 ang sugatan at isa ang pinaghahanap pa.

Dagdag ni Cacdac, tumutulong ang Filipino Community sa Lebanon upang mahanap na ang 1 Pinoy helper na hanggang sa ngayong ay “missing” pa.

Tiniyak naman ni Cacdac na kasalukuyan ng pinaplano ng Philippine Labor Office sa Lebanon ang pagpapauwi sa mga apektadong OFWs, maging ang labi ng mga OFW na nasawi sanhi ng pagsabog.

Aniya, walang dapat ipag-alala ang mga Pinoy sapagkat ang pamahalaan ang gagastos sa pagpapagamot ng mga sugatan, maging ang pagpapauwi ng mga OFW sa bansa.

More in National News

To Top