Connect with us

2 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Sumuko ang mag-amang miyembro ng Abu Sayyaf sa tropa ng 11th Infantry Division sa Talipao, Sulu.

Regional

2 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Sumuko ang mag-amang miyembro ng Abu Sayyaf sa tropa ng 11th Infantry Division sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang dalawa na sina Isniruddin Haliluddin at Bennajar Isniruddin, pawang mga miyembro ni Abu Sayyaf sub-leader Radullan Sahiron.

Isinuko rin nila ang M79 grenade launcher at garand rifle.

Ayon kay Bennajar, nagdesisyon silang sumuko dahil sa hindi magandang buhay na kanilang naranasan.

Umaasa naman si Major General William Gonzales, commander ng Joint Task Force Sulu at 11th Infantry Division na susuko na rin ang iba pang bandido upang tuluyang makapagbagong buhay.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top