Sa kulungan ang bagsak ng 2 lalake at isang babae matapos mahuli sa illegal drug buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Teresita, Quezon City, kahapon ng umaga.

2 lalake, 1 babae na tulak ng droga, arestado; mahigit P4M ng halaga ng droga nasamsam

Metro News

Sa kulungan ang bagsak ng 2 lalake at isang babae matapos mahuli sa illegal drug buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Teresita, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa report sa National Capitol Region Police Office (NCRPO) ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang mga suspek na sina JAMAEL HZAINAL, 20 anyos, taga-QC;  NABEL MAKABATO, 27 anyos taga Cagayan de Oro City; at ang babaeng si RICONDAYA MAGARANG, 51 anyos taga-QC.

Courtesy: NCRPO PIO

Isinagawa ang buy bust operation sa bahagi ng Mayon St., corner Quezon Avenue, Brgy. Sta Teresita Quezon City kung saan matapos magkaabutan ang babaeng suspek at pulis na nagpanggap na buyer ng shabu ay dito na inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit kumulang 600 gramo ng pinaghihinalaang shabu na naka silid sa mga plastic na may street value na mahigit P4M.

Nakumpiskang mahigit P4M halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa mga suspek.
Courtesy: NCRPO PIO

Kabilang din sa kinumpiska ang isang puting Toyota Fortuner at isang pulang Honda Civic.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng mga inarestong suspek.