Connect with us

2 kongresista, naghamon ng debate  para ibalik ang ABS-CBN franchise

Dalawang kongresista ang sumusuporta ngayon sa muling pagbuhay ng ABS-CBN franchise sa Kamara.

National News

2 kongresista, naghamon ng debate  para ibalik ang ABS-CBN franchise

Dalawang kongresista ang sumusuporta ngayon sa muling pagbuhay ng ABS-CBN franchise sa Kamara.

Ito ay sina Deputy Speaker Loren Legarda at Deputy Speaker Rufus Rodriguez.

Ito ay para maibalik rin ang trabaho ng mga empleyado ng kumpanya matapos maibasura ang franchise ng dating network giant.

Sa programang Point of Order sa SMNI News, naghamon naman ng debate sa nasabing isyu sina Congressman Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Ito ay para ipaliwanag ng isa-isa kung bakit ibinasura ng 18th congress ang prangkisa ng channel 2.

Nitong nakaraang Sabado, July 10,2021 ang unang taon nang ibinasura ang hiling ng ABS-CBN na prangkisa.

Ayon sa network, pagsikil sa press freedom ang ginawa ng Kongreso.

Subalit ayon sa dalawang mambabatas, walang kinalaman ang press freedom ang isyu at bumoto sila base sa merits at ebidensya ng paglabag.

Diin naman ni Marcoleta, mula’t simula pa lamang nang talakayin nila ang ABS-CBN franchise ay hindi nila nakitaan ng “remorse” ug pagsisisi ang kumpanya.

Bagkus, nanatiling mapagmataas ang network sa pag-aakalang ceremonial lamang ang mga pagdinig at hindi sila tutuluyan ng Kongreso.

More in National News

Latest News

To Top