Mayroon nang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

2 indibidwal mula Davao de Oro, under investigation kung may 2019-nCoV

Regional

Iniimbistigahan ngayon ng health authorities ang 2 indibidwal mula Davao de Oro kung may 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) matapos makitaan ng sintomas.

Batay sa ulat ng Philippine Information Agency Davao, inihayag ng Davao de Oro Provincial Health Office (PHO) na naka-isolate ngayon sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, Davao del Norte ang naturang 2 person under investigation (PUIs).

Ayon kay Dr. Abegail Amores ng PHO, ipinadala na sa Australia ang samples mula sa naturang 2 pasyente para sa kumpirmasyon.

Idinagdag din nito na ang mga nakasalamuha ng naturang mga PUIs ay hindi naman nakitaan ng sintomas ng 2019-nCoV.

Ulat ni Brenda Manalo ng DXRD 711 Sonshine Radio Davao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *