Connect with us

2 importers, kinasuhan dahil sa misdeclaration at illegal importation ng mga produkto

Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice ang dalawang importers na sangkot sa misdeclaration at illegal importation ng mga ipinagbabawal na mga produkto.

National News

2 importers, kinasuhan dahil sa misdeclaration at illegal importation ng mga produkto

Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang importers na sangkot sa misdeclaration at illegal importation ng mga ipinagbabawal na mga produkto.

Ayon sa BOC, ang unang kaso ay isinampa sa YJC International Corporation dahil sa unlawful importation at misdeclaration ng 1,599 karton ng counterfeit cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit ₱76 milyon.

Idineklara umano ng consignee ang shipment bilang plastic frames at sheets.

Kinasuhan din ang MBS Cargo Movers Co. dahil sa umano’y illegal importation at misdeclaration ng 344 na mga box ng ukay-ukay.

Sinabi ng BOC na idineklara ang shipment bilang mga used personal effects.

Samantala, sasampahan din ng administrative cases sa Professional Regulation Commission (PRC) laban sa mga eering licensed customs brokers ng mga nabanggit na consignee.

More in National News

Latest News

To Top