Connect with us

18th Congress, ‘di dapat masisi sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN – Defensor

Sumentro sa isinagawang ABS-CBN franchise hearing sa isyu ng media bias at content ng mga programa ng Kapamilya network.

National News

18th Congress, ‘di dapat masisi sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN – Defensor

Mariing iginiit ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na hindi masisisi ang 18th Congress sa pagkakasara ng dating media giant na ABS-CBN.

Sa programang Point Of Order sa SMNI, sinabi nito na mahaba ang naging panahon ng nagdaang Kongreso mula noong tinalakay ito noong 2014 o sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Saad ng kongresista, “Kami nag hearing kami tapos na ang franchise ng ABS-CBN. 2 years after kaya nga sinasabi ko bakit ganun ang nangyari? Si Speaker Belmonte was the Speaker of the House. They had 2 years, may dalawang taon silang pag-usapang kung anong mga problema.”

Ani Defensor, dahil naging matindi ang banat ng ABS-CBN sa madugong Mamasapano encounter noong Aquino Administration ay ipinahinto mismo ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pagtalakay sa prangkisa ng channel 2.

“Alam mo ang narinig ko’ng kwento dito MJ and lumabas din to sa article ni Bobi Tiglao na talagang nag-away itong ABS-CBN particular si Mr. Lopez and si PNoy na para bang ang nangyari dahil lumalabas kay VP Noli De Castro he was the anchor of ABS-CBN na yung sa Mamasapano issue. Mula noon tinawagan daw at sinabi wag n’yong itake-up ang ABS-CBN franchise.”

Naunang pinatamaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Defensor na isa umano sa mga dahilan ng pagkawala ng libo-libong trabaho sa ABS-CBN.

Pero ang nangyari, sa panahon ni dating Speaker Sonny Belmonte na siya ring ama ni Mayor Joy unang naharang ang prangkisa.

At kung wala anyang pagkukulang ang network, dapat aniya sa mga panahong iyon ay nakalusot na ito sa pagbusisi ng Kongreso.

“Isipin nila at tingnan nila talaga anong nangyari. Dalawang taon yang nakabinbin kay PNoy kay Sonny Belmonte. Ang chairman ng franchise committee noon was Marcy Teodoro, Mayor of Marikina eh dapat napag-usapan na nila yan noon.”

More in National News

Latest News

To Top