Connect with us

176k na tablet, ipinamahagi sa mga enrolled highschool students sa QC

Itinurn-over ngayong araw ng Quezon City lgu ang libo-libong tablets para sa mga enrolled high school students sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City.

Metro News

176k na tablet, ipinamahagi sa mga enrolled highschool students sa QC

Itinurn-over ngayong araw ng Quezon City LGU ang libo-libong tablets para sa mga enrolled high school students sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City.

Pinangunahan ang ceremonial turn over ng 176,000 samsung tablets ni Mayor Joy Belmonte.

Ayon sa QC Gov’t, may custom software na ang mga tablet at lahat ng app na kakailanganin ng mga estudyante ay naka-install na dito.

Sinabi ng city gov’t na ang mga tablets ay bahagi ng P2.9 bilyon supplemental budget na inaprubahan ng QC local school board.

Kasama rin anila sa naturang budget ang pagbibigay ng kaukulang allowance sa mga guro at pamamahagi ng learning kits gaya ng flash drives, modules at printed materials at hygiene kits gaya ng sabon, alcohol, at iba pa para sa mga estudyante.

More in Metro News

To Top