Connect with us

16 na karagdagang ruta para sa mga jeepneys, bubuksan ng LTFRB

Inirereklamo  ng 1-United Alliance of the Philippines (1-UTAP) ang pagtanggal sa ruta ng tradisyunal na jeepney sa kanilang pagbabalik operasyon.

Metro News

16 na karagdagang ruta para sa mga jeepneys, bubuksan ng LTFRB

Muling magbubukas ng karagdagang ruta para sa traditional public utility jeepneys (TPUJ) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa memorandum circular (MC) 2020-071 ng LTFRB, karagdagang 16 na ruta ang bubuksan simula bukas, Nobyembre 11, 2020.

Dahil dito, dagdag 816 na traditional PUJ ang papasada sa kalakhang Maynila.

Ayon sa LTFRB, maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing certificate of public convenience (CPC) o application for extension of validity at kinakailangang nakarehistro sa personal passenger insurance policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa polisiya.

Bilang kapalit ng special permit (SP), mayroong QR code na ibibigay sa bawat operator na dapat i-print sa short bond paper at ipaskil sa bibiyaheng sasakyan.

Mada-download ang QR code mula sa official website ng LTFRB.

More in Metro News

Latest News

To Top