Connect with us

150 miyembro ng grupong Anakpawis sa Cagayan, nagbalik-loob sa pamahalaan

Muling bumalik sa gobyerno ang 100 miyembro ng grupong Anakpawis at 50 dating rebeldeng New People's Army sa Cagayan.

Regional

150 miyembro ng grupong Anakpawis sa Cagayan, nagbalik-loob sa pamahalaan

Muling bumalik sa gobyerno ang 100 miyembro ng grupong Anakpawis at 50 dating rebeldeng New People’s Army sa Cagayan.

Sa isinagawang mass surrender ceremony sa San Juan, Pamplona, Cagayan noong sabado, Abril 24, muling ibinahagi ng mga rebelde ang kanilang karanasan at tinuligsa ang karahasaan at kasamaan ng grupong Anakpawis at ng kanilang mga front organization.

Nagkaroon naman ng lecture at presentation ang iba’t ibang member-agencies ng Regional Task Force to End Local Armed Conflict para maipresenta at maipaliwanag ang kanilang mga programa at proyekto para sa mga sumukong rebelde.

Sinunog naman ng mga miyembro ng Anakpawis at ng mga dating rebeldeng NPA ang kanilang mga bandila at lumagda ng kanilang panata ng katapatan sa gobyerno.

More in Regional

Latest News

To Top