dotr puv modernization

15 ruta ng mga modern PUJ, bubuksan na sa NCR simula sa Lunes

Metro News

Makakabiyahe na simula bukas ang mga modern public utility jeepneys (PUJs) sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) 15 ruta ang bubuksan bukas sa NCR na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bilang bahagi ng bagong normal sa transportasyon.

Nakasaad sa LTFRB memorandum circular na may petsang June 19, 2020, ang mga modern PUJs na nakapasa sa requirements na sinasabi sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG) ang papayagang makabiyahe sa mga pinayagang ruta.

“The resumption of PUJ operations in 15 routes in Metro Manila is part of our calibrated response to restore mass transportation in Metro Manila and in the adjacent provinces as we transition into new normal, taking into consideration the strict health protocols being enforced to prevent the spread of COVID-19,” ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Ang mga operator na may expired na PAs o CPCs na sakop ng LTFRB Board Resolution No. 062 na may petsang April 29, 2020, at LTFRB Board Resolution No. 100 na may petsang May 9, 2020 ay sakop din ng naturang memorandum circular.

Nasa 308 mga modern jeepney ang pinayagang makabiyahe sa Lunes.

Narito ang 15 ruta ng mga modern PUJ sa Metro Manila:

1. Novaliches – Malinta via Paso de Blas

2. Bagumbayan Taguig – Pasig via San Joaquin

3. Fort Bonifacio Gate 3 – Guadalupe-Market Market-ABC Loop Service

4. Pandacan – Leon Guinto

5. Quezon Avenue – LRT 5th Avenue Station

6. Cubao (Diamond) – Roces Super Palengke

7. EDSA Buendia-Mandaluyong City Hall via Jupiter, Rockwell

8. Divisoria-Gasak via H. Lopez

9. Punta-Quiapo via Sta. Ana

10. Boni Pinatubo – Stop and Shop, vice versa

11. Boni Robinson’s Complex-Kalentong/JRC vice versa

12. Nichols-Vito Cruz

13. Filinvest City Loop

14. Alabang Town Center (ATC)-Ayala Alabang Village

15. Vito Cruz Taft Avenue-PITX Loop Service

Sa June 24, 2020 naman ay bubuksan ang mga sumusunod na ruta:

1. Bagong Silang – SM Fairview

2. Malanday – Divisoria via M.H. del Pilar

3. Parang, Marikina – Cubao

4. Eastwood, Libis – Capitol Commons

5. Gasak – Recto via Dagat-dagatan

6. PITx – Lawton

7. Alabang – Zapote

8. PITX – Nichols

9. PITX – SM Southmall

Ito naman ang mga ruta na bubuksan sa June 26, 2020:

1. Quirino Highway – UP Town Center

2. SM Fairview – Commonwealth via Regalado Ave.

3. QMC Loop

4. Tikling – Binangonan

5. Antipolo – Pasig via East Bank Road

6. Rosario – Pinagbuhatan Pasig

7. West Aveune – P. Noval via Del Monte

8. Biñan – Balibago via Manila South Road

9. Tramo – Sucat

10. San Isidro – Congressional Junction Dasmarinas

Inatasan naman ang mga jeepney operator/driver na gumamit ng cashless fare payments.

Kailangan din na nakasuot ng facemask ang mga driver at pasahero, maglalagay ng disinfecting foot bath at maoobserba ang social distancing sa loob ng PUJ.

Nasa 50% lang ng kabuoang kapasidad ng unit ang pwedeng maisakay na pasahero.

Wala namang pagbabago sa halaga ng pamasahe sa pagbabalik operasyon ng mga pampublikong jeepney.