Connect with us

15 miyembro ng communist terrorist, sumuko sa Masbate

15 MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST, SUMUKO SA MASBATE

Regional

15 miyembro ng communist terrorist, sumuko sa Masbate

Sumuko sa militar ang 15 miyembro ng communist terrorist group sa Masbate.

Nabatid na walo sa kanila ay mga regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) habang pito ang mula sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL).

No description available.

Ibinaba rin nila ang siyam na iba’t ibang kalibre ng baril.

No description available.

Ayon kay Lieutenant Colonel Siegfried Felipe Awichen, battalion commander ng 2nd Infantry Battalion, isasailalim agad ang mga sumuko sa reintegration kasabay ng pag-enroll sa kanila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa ilalim ng program ay makatatanggap sila ng cash, livelihood, housing, medical, educational assistance at firearms remuneration para sa mga nagsuko ng armas.

No description available.

More in Regional

Latest News

To Top