Connect with us

15 mangisngisda na ilang araw nang nawawala, nasagip ng PCG

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PSG) ang 15 mangingisda na ilang araw nang pinaghahanap matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa Surigao sa gitna ng pananalasa ng bagyong 'Auring.

National News

15 mangisngisda na ilang araw nang nawawala, nasagip ng PCG

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PSG) ang 15 mangingisda na ilang araw nang pinaghahanap matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka sa Surigao sa gitna ng pananalasa ng bagyong ‘Auring.

Kwento ng kapitan ng bangka, nakaenkwentro sila ng malaking alon na naging dahilan ng pagkapinsala ng outrigger ng bangka hanggang ito ay lumubog.

Ayon sa PCG, narescue ang mga mangingisda ng isang dumadaang fishing boat na nagsagawa ng radio communication sa PCG para sa suporta.

Agad naman binigyan ang mga survivor ng pagkain, tubig at initial medical check-up bago iturn-over sa City Disaster Risk Reduction And Management Office (CDRRMO) ng General Santos City para sa karagdagang tulong.

More in National News

Latest News

To Top