Connect with us

15 indibidwal, tiklo sa pagpresenta ng pekeng COVID-19 tests para makabiyahe

Nagbabala ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko laban sa pagbibiyahe gamit ang pekeng COVID-19 tests.

National News

15 indibidwal, tiklo sa pagpresenta ng pekeng COVID-19 tests para makabiyahe

Nagbabala ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko laban sa pagbibiyahe gamit ang pekeng COVID-19 tests.

Sa abiso, sinabi ng PAL na kamakailan lamang ay nasa 15 indibidwal ang kanilang pinagbawalang makasakay dahil sa pagpresenta ng pekeng COVID-19 tests results sa check-in counters ng paliparan.

Ito ay bilang bahagi at kontribusyon ng kumpanya para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa iba pang lugar sa bansa.

Ayon sa PAL, ang mga pasahero na nahuli sa Maynila na patungo sana sa mga lugar ng Cotabato, Dipolog at Zamboanga ay naiturn-over na sa Philippine National Police (PNP).

Karamihan anila sa mga ito ay ni-refer para sa inquest habang ang iba ay pina-isolate sa mga quarantine facility.

Sinabi ng pulisya na sasampahan ang mga ito ng falsification of public documents, paglabag sa RA 11332 o mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act.

Sakaling guilty, posibleng maharap sila sa multa na hanggang ₱50,000 at pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.

More in National News

Latest News

To Top