Luzon-wide Enhanced Community Quarantine, pinalawig hanggang Abril 30

14 day city-wide lockdown sa Navotas City, sinimulan na ngayong araw

Metro News

Sinimulan na ngayong araw, Hulyo 16, ang pagsasailalim sa 14 day City wide lockdown sa lungsod ng Navotas.

Kahapon dapat magsisimula ang lockdown ngunit mas minabuti ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na iurong ito ng isa pang-araw upang maipabatid sa lahat ng residente ng lungsod ang gagawang hakbang.

Simula kaninang 5AM ang lockdown na tatagal hanggang July 29 ng hatinggabi.

Kagabi ay nagpakalat na ang LGU ng Kapulisan para maging pamilyar na sila sa mga area na babantayan nila lalo na yaong mga augmented police.

Maliban sa 400 Navotas Police ay magdedeploy ng nasa 242 augmented police ang lungsod kung saan nasa 80 plus ang mula sa Special Action Force ng Philippine National Police (PNP) ang idedeploy para gawin ang 24 hours na pagbabantay.

Batay sa pinakahuling datos ng City health office, 1,074 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod kung saan 69 dito ang nasawi.

 661 naman ang active cases habang 344 na ang nakarekober mula sa naturang virus.