Connect with us

13th month pay ng mga manggagawa, dapat ibigay – Sen. Go

Nanindigan si Senator Christopher Bong Go na dapat ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawa  sa tamang panahon.

National News

13th month pay ng mga manggagawa, dapat ibigay – Sen. Go

Nanindigan si Senator Christopher Bong Go na dapat ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawa  sa tamang panahon.

Ipinaliwanag ni Go na batid niyang hirap pa ang karamihan dahil sa COVID-19 pandemic  kaya dapat  unahin ang kapakanan lalo ng mga maliliit na manggagawa.

Ang pahayag ay bilang tugon ni Go sa pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment na payagang ipagpaliban o hindi ibigay ang  13th month pay ng mga manggagawa dahil marami ding negosyo ang pinipilit na makaagapay sa krisis.

Sinabi pa ni Go na dapat tulungan ng gobyerno ang mga malilit na  negosyo na makaahon upang mas maalagaan nila ang  kanilang mga empleyado at hindi maapektuhan o mahinto ang mga benepisyo na itinatakda ng batas.

Muling namang ipinaalala ni Go na habang patuloy  na nilalabanan ng  bansa ang pandemya, mas nararapat ngayon ang pagtutulungan  at pagmamalasakit  para sa isa’t isa .

Giit pa ni Go, dapat palaging isaalang-alang ang kapakanan ng mga ordinaryong Pilipinong nagsasakripisyo araw-araw para sa kanilang pamilya.

Tiniyak ni Go na makikiusap siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa DOLE para matiyak na matanggap  ng mga empleyado ang kanilang  13th month pay sa itinatakdang panahon ng batas

More in National News

To Top