Connect with us

130 communist terrorists, nagbalik-loob sa gobyerno

130 communist terrorists, nagbalik-loob sa gobyerno

National News

130 communist terrorists, nagbalik-loob sa gobyerno

Nagbalik-loob sa gobyerno ang 130 miyembro at tagasuporta ng communist terrorist group mula sa Northern at Central Luzon.

Ayon kay AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) acting commander Major General Andrew Costelo, binubuo ang nasabing bilang ng 15 regular communist terrorist members; 12 Milisya ng Bayan; 1 naaresto; at 102 party members mula sa iba’t ibang NPA-affiliated mass organizations.

Narekober din ng militar ang 17 baril at 3 improvised explosive devices (IEDs) mula Disyembre 2021.

Sinabi ni Costelo na ang pagdami ng mga sumusuko ay pagpapakita lamang ng pagkadismaya ng mga miyembro at tagasuporta ng communist terrorist sa huwad na ideolohiya ng grupo.

Positibo ang opisyal na magwawakas na ang communist insurgency kaya hinihikayat nito ang natitirang miyembro na sumuko at ibaba na ang kanilang armas.

More in National News

Latest News

To Top